Patnubay sa paggamit ng Internet Human Rights Consultation Reception Desk

 Ang Human Rights Commission ng Ministry of Justice ay tumatanggap ng mga konsultasyon sa internet.
I-enter ang iyong pangalan, address, edad, at detalye ng iyong konsultasyon, atbp.
sa consultation form at ipadala ito,at ang pinakamalapit na Legal Affairs Bureau ay sasagot sa
pamamagitan ng e-mail o telepono makalipas ang ilang araw.
Huwag mag-atubiling kumunsulta sa amin tungkol sa iyong mga alalahanin at problema at huwag sarilinin ng nag-iisa.
Mangyaring basahin nang mabuti ang sumusunod na "Mga Tuntunin ng Paggamit" at i-click ang "Next".

Bago gamitin

1.

Ang mga personal na impormasyon ay ituturing na sikreto at
hindi gagamitin para sa iba pang mga layunin.

2.

Kailangan ng isang terminal tulad ng personal computer na
may internet browser para sa pagpapadala o pagtanggap ng
e-mail upang magamit ang Internet Human Rights
Consultation Reception Desk. Depende sa iyong lokasyon,
mayroong ibang lugar kung saan hindi magagamit ang
Internet Human Consultation Reception Desk.

3.

Magpapadala kami ng “Human Rights Consultation Content
Input Form” sa nakarehistro ninyong e-mail address sa
application, kung kayat maaari lamang na irehistro ang
domain soudan.moj.go.jp upang matanggap ito.

4.

Maaaring magpadala ng konsultasyon hanggang 3 beses mula sa “Human Rights Consultation Content Input Form”.

5.

Aabutin ng ilang araw ang sagot sa inyong konsultasyon.
Kung nagmamadali o hindi makapagpadala ng konsultasyon
dahil sa kapaligiran sa paggamit, mangyari lamang na
tumawag sa pinakamalapit na “Legal Affairs Bureau” o
“Foreign Language Human Rights Consultation Dial”.

6.

Depende sa nilalaman ng iyong konsultasyon, maaari namin
hilingin sa inyo na makipagusap sa pamamagitan ng telepono o
pakikipanayam.